Leni Robredo hindi invited sa Miss Universe coronation

DONA REMEDIOS TRINIDAD, Bulacan - "Hindi e. Hindi ako imbitado," ito ang mabilis na pahayag ni Vice-President Leni Robredo nang tanungin siya ng mga reporter kung manonood siya ng coronation night sa Mall of Asia.

Si Robredo ay isa sa mga hurado ng 2015 Binibining Pilipinas pageant kung saan siya mismo ang nagtanong kay Miss Universe 2016 Pia Wurtzbach ukol sa kapangyarihan ng social media at internet censorship.

Si Robredo ay nasa Dona Remedios Trinidad, Bulacan nitong Biyernes para sa kanyang "Angat Buhay" program. 

"Yung sa atin talaga, yung kapital lang natin, laway saka sipag. Ina-aya natin talaga mga pribadong organisasyon na meron ding mga programa, naghahanap ng tutulungan. Ayun sinasama natin sila para makita nila yung problema on the ground. Sa mga bisitang ganito, marami tayong nakukuhang partnerships," pahayag ni Robredo.



Leni Robredo hindi invited sa Miss Universe coronation Leni Robredo hindi invited sa Miss Universe coronation Reviewed by Rondownload on 17:54 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.