'Tanim droga cops' nagnakaw din umano ng 9Million mula sa BPO


Iprinisinta ni Senator Panfilo Lacson noong Huwebes ang CCTV footage habang nagtatanim umano ng droga ang mga suspek na pulis sa isang raid sa isang suspected office building.
Ipinapakita sa nasabing video na nakunan noong October 26, 2016 na nagmamadaling pumasok ang nasabing pulis sa loob ng opisina habang pinapalipat ang mga empleyado sa kabilang kwarto. Nagsimulang maghalungkat ang mga pulis at makikita ring may kinuha mula sa kanyang bag ang isang pulis at inilagay ito sa lamesa.
Ang nasabing video ay ipinakita sa Senate hearing ng kumakalat na "tokhang for ransom" na gawain umano ng mga pulis.
Lacson, a former Philippine National Police chief, said the alleged planting of drugs is not an isolated incident and called on the PNP to strengthen its counter-intelligence activities.






Dagdag pa ni Lacson ngayong Biyernes, nakakuha pa umano ng  P9 million mula sa BPO company na pagmamay-ari ng Chinese-Filipino ang mga nasabing pulis.
"Kasi ang ginawa sa kanila, yung pitong milyon, tinransfer pa. Ginamit pa yung…siyempre, under duress na yung mga tao. Kinuha yung mga detalye, nakapag-transfer pa gamit yung computer. Nakapag-transfer ng pera na nasa mga P7-million, so ninakawan pa," pahayag ni Lacson.
"Tapos nag-cash out pa yung tao ng mga P2-milyon para hindi na sila perwisyuhin. Talagang pag mga Filipino-Chinese, ganun, bayad lang nang bayad, wag na lang babalik-balikan. Baka patayin pa. Drugs eh."
Ayon pa kay Lacson, alam umano ng mga suspek na may CCTV sa opisina.
"Yung opisina, BPO. Pinasok. Ang istorya doon, aware ang mga lokong police na mayroong CCTV doon. Nakita nila na may camera. Yung pinaka-supervisor doon, sinimplehan niya na yung recording, pinalitan niya ng lumang tape," 
"Nung paalis na yung mga pulis, naturalmente, kinuha yung recording. Nung napanood nila, nako, iba yung laman, hindi yung ginagawa nila. Nabahala sila ngayon," dagdag pa niya.
Pinarelief na ni PNP chief Director General Ronald "Bato" dela Rosa ang mga pulis na nahuli sa CCTV.



'Tanim droga cops' nagnakaw din umano ng 9Million mula sa BPO 'Tanim droga cops' nagnakaw din umano ng 9Million mula sa BPO Reviewed by Rondownload on 22:24 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.