4 na batang babae, sunod-sunod umanong nawala sa Taguig

Ayon sa report ng ABS-CBN News nadatnan ng Radyo Patrol sa Taguig police headquarters ang isang ginang na nagreport sa pulisya na dinukot umano ang 15-anyos niyang apo sa may MLQ Road habang papunta sa simbahan noong Linggo ng hapon. Tumangging magpakilala ang ginang para sa kaligtasan ng kanyang apo.
“Tulungan daw po siya dahil kinuha daw po siya ng van na puti, marami daw po sila... Hindi raw po sila pinapakain, papatayin daw po sila,” pahayag ng lola ng biktima.
“Pangalawang text po, ngayon lang po ulit, ang sabi, mayroon na raw pong ibinenta, mayroon na daw pong kinuha ngayong umaga. Paano po namin siya tutulungan, wala pong lead kung saan namin siya pupuntahan? Basta ang sabi niya po, nasa bukid sila,” dagdag pa ng lola niya.
Nagreklamo pa ang lola ng biktima na sinusungitan daw siya ng pulis. 
Ayon naman sa barangay tanod na si Jose Laurora, may tatlong mga batang babae na magkakapatid rin na nasa edad tatlo, pito at 10 ang nawala umano noong pang Sabado.
Pinasinungalingan naman ng pamahalaan ng Taguig City ngayong Martes ang report na ito.  Nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Taguig City na nagsabing nakauwi na sa kani-kanilang mga bahay ang apat na batang babaeng unang naiulat na magkakasunod na nawala sa Lower Bicutan.
Itinanggi rin ng Taguig City police na dinukot ang mga bata, ayon sa pamahalaan ng Taguig City sa isang mensahe na ipinadala sa ABS-CBN News.


4 na batang babae, sunod-sunod umanong nawala sa Taguig 4 na batang babae, sunod-sunod umanong nawala sa Taguig Reviewed by Jhon on 07:23 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.