Sunog, sumiklab sa TRINOMA MALL

Sumiklab ang sunog sa TriNoMa mall sa Quezon City nitong Lunes ng hapon. Unang naireport ang sunog dakong 2:25 ng hapon. Agad namang iniakyat sa ikalawang alarma bandang 2:34 ng hapon ang sunog ayon sa TxtFire Philippines.








Nagsimula umano ang sunog sa appliance warehouse malapit sa MRT station ayon kay FO1 Joan De Luna ng Tandang Sora fire substation.

FO1 Joan De Luna of the Tandang Sora fire substation said the fire reportedly started at an appliance warehouse near an MRT station.
Idineklara ng Bureau of Fire Protection ng Quezon City na fire out dakong 6:33 ng hapon.

Nailigtas naman mula sa sunog ang isang aircon technician na kinilalang si Anthony Molina. Natrap umano sa building ang biktima ayon kay QCBFP Fire Marshall Senior Superintendent Manuel Manuel.
Hindi pa natutukoy sa ngayon ang pinagmulan ng sunog.


Sunog, sumiklab sa TRINOMA MALL Sunog, sumiklab sa TRINOMA MALL Reviewed by Jhon on 08:45 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.