Magkasintahang namatay sa aksidente, gustong ipakasal ng mga kaanak

Nabangga ng kotseng minamaneho ni Renz John Reyes ang tricycle na sinakyan ng magkasintahan na sina Roy Saballero at Jocelle Demapula. Namatay ang dalawa sa nasabing aksidente noong Sabado sa Bacolod.
Plano na sanang magpakasal ng magkasintahan ngayong taon kaya binabalak ngayon ng mga kaanak na ikasal ang dalawa bago sila ilibing sa linggo.
Nais ng kamag-anak na mabigyan sila ng maikling seremonyas tulad ng binibigay sa mga ikinakasal, para man lang kahit sa kabilang buhay ay maisakatuparan ang kanilang matagal nang planong pag-iisang-dibdib.
Patay rin sa aksidente ang drayber ng tricycle na si Elmer Lumangyao, habang sugatan naman ang 4 pang mga pasahero na sina Andrian Mandawe, Stephen Basoy, Elmer dela Torre, at James Siason.
Desidido namang magsampa ng kaso laban kay Reyes ang mga nakaligtas na biktima. Tumangging magbigay ng pahayag sa media si Reyes ukol sa naganap.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang kaso.
Magkasintahang namatay sa aksidente, gustong ipakasal ng mga kaanak Magkasintahang namatay sa aksidente, gustong ipakasal ng mga kaanak Reviewed by Jhon on 08:11 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.