Banyaga, nag-alok bilhin ang isang sanggol sa halagang $100

Kumakalat ngayon sa social media ang video kung saa  isang banyaga ang nag-alaok na bilhinang isang sanggol sa halagang $100, o humigit-kumulang P5,000. Ayon kay Cher Herrera, tiyahin ng bata, nilapitan sila ng matandang Amerikano noong Mayo 5 habang nagkakape kasama ang kanyang pamangking bitbit ang tatlong buwang anak nito sa isang mall sa Bacolod. 
"Initial approach niya sa amin 'What a beautiful baby you have there.' We just smiled at him and took it as a compliment," pahayag ni Herrera.
Ikinagulat na lang nila ng idagdag ng banyaga na: "I wanna buy your baby for a hundred dollars."
Nang tanungin kung bakit niya gustong bilhin ang bata, tugon umano ng banyaga na palalakihin at bibigyan niya ito ng magandang edukasyon. Dito na siya tuluyang naalarma at kanyang vinedeo ang pag-uusap.
"Sabi ko 'it's not a dog na bibilhin mo yung bata.' Tapos sabi niya "I know its not a dog. I want to buy that baby. I want to buy it."
"Doon ako nagalit talaga. 'That's insane! Get the hell out of here' sabi ko," pahayag niya.
Naalala umano ni Herrera ang mga lumalabas na balita ng mga batang dinudukot, inaabuso at ipinapakita online ang pang-aabuso.
"Hindi naman kami kawawa. Hindi naman kami mukhang pulubi pero he got the nerve to approach us. What about sa mga taong palaboy or street children dyan? Na-imagine mo yung makikita mo sa news na mga batang inaabuso kaya sabi ko I need to do something na ma-locate ang taong ito at maimbestigahan," paliwanag niya.
"I have lots of friends around the world and they saw what I posted. Sabi nila very alarming yan at may ilang nagsasabi din na compliment lang daw. But when you say you want to buy a baby, that's a different story," dagdag niya.
"Marami akong alam dito sa atin na yung mga ina o parents mismo, sila nagbebenta ng mga anak nila. Ang nakakatakot, kung makasalamuha nila itong tao na ito na nago-offer, iga-grab kaagad yung opportunity and then kawawa yung mga bata," sabi niya.
Nagpa-blotter sa pulisya si Herrera kinabukasan at saktong naabutan na naman niya muli ang banyaga na nakatambay sa nasabing mall. Agad siyang tumawag siya sa pulisya pero ipinaliwanag sa kanya na mayroong proseso na dapat sundin at hindi pwedeng basta-basta imbitahan sa presinto ang banyaga.
"Naintindihan ko naman procedure ng pulis. Nilapitan ko siya. But before that, nag-coordinate ako sa security, pinakita ko blotter report ko," pahayag niya.
Sa pag-uusap nila ng banyaga, itinanggi ng lalaki na may sinabi siyang gusto niyang bilhin ang bata. Tumanggi din siyang magbigay ng impormasyon.
"None of your business" ang tugon sa kanya at "I'm here to look for a wife."
Hiling ni Herrera, "maging vigilant talaga yung iba."
Banyaga, nag-alok bilhin ang isang sanggol sa halagang $100 Banyaga, nag-alok bilhin ang isang sanggol sa halagang $100 Reviewed by Jhon on 08:38 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.