Pulis sa viral photo, naghuhugas lamang ng kamay

Hindi umiihi ang pulis na nasa larawan na nagviral ngayon sa social media. Ito ang paliwanag ng photographer na siyang kumuha ng nasabing retrato.
Ayon kay Luis Liwanag, nangyari ito sa Baclaran noong Disyembre 2016 habang naglalakad. Tanghalian aniya ang kuhaan niya ang retrato ang naghuhugas ng kamay ang pulis na kinailangang bumukaka para hindi mabasa ang kanyang sapatos.


At nito ngang nakaraang linggo "may isang grupo sa Cebu na may nag-post at sinabing kuha niya ito at na-tiyempuhan niyang umiihi ang pulis," kuwento ni Liwanag.

Umani ng batikos ang pulis mula sa netizens sa paga-akalang umiihi ang naturang pulis sa harap ng publiko. Nakarating kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde ang retrato.
"Based on the picture, this could be in the Pasay-Baclaran area, and the policeman may be doing something suspicious," ani Albayalde.
Ipinagtanggol naman ni Southern Police District (SPD) Director Tomas Apolinario ang nasabing pulis, aniya malamang na naghuhugas lamang ng kamay ang pulis dahil masyado aniyang bulgar para sa isang pulis na umihi sa lansangan, sa lugar na kitang-kita ng maraming tao.
"Maybe he did not want to get his shoes wet. But we are still trying to find out who it is," pahayag ni Apolinario.
Nilinaw ni Liwanag na wala siyang balak ipahiya ang pulis.
"Ang ganitong kuha ay kasama sa genre ng 'street photography' kung saan ang retrato ay kino-compose ng may ambiguous o humorous na hitsura," sabi ni Liwanag. Dagdag pa niya, ipinaliwanag umano niy sa kanyang post na naghuhugas lamang ng kamay ang naturang pulis.

Pulis sa viral photo, naghuhugas lamang ng kamay Pulis sa viral photo, naghuhugas lamang ng kamay Reviewed by Jhon on 08:53 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.