Lalaki, arestado dahil sa panggagahasa sa 3 kapatid

MISAMIS ORIENTAL - Arestado ang isang 21 taong gulang na lalaki dahil umano sa panggagahasa sa 3 nakababatang kapatid na babae sa bayan ng Opol nitong Martes.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, paulit ulit na inaabuso ni "Miguel" ang kanyang mga kapatid tuwing umaalis ang kanilang mga magulang.
Ang kanyang 11 taong gulang na kapatid ang siyan nagreport sa suspek sa pulis, pahayag ni PO2 Catherine Hibaya ng Women and Children Protection Desk ng Opol Police.
Inamin naman ng suspek na naimpluwensiyahan siya ng mga malalaswang panoorin at lango sa alak tuwing minomolestiya ang kanyang mga kapatid.
Kakasuhan si Miguel ng rape at paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Lalaki, arestado dahil sa panggagahasa sa 3 kapatid Lalaki, arestado dahil sa panggagahasa sa 3 kapatid Reviewed by Jhon on 08:50 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.