5kg shabu, nasamsam sa bahay ng Vice Mayor ng Marawi

MARAWI CITY - Hindi bababa sa 5 kilo ng hinihinalang shabu ang nakuha ng mga awtoridad sa mga bahay ng bise alkalde ng Marawi City at ng kapatid nitong dating mayor sa Barangay Cabingan Sabado.




"Nakuha (ang hinihinalang iligal na droga) sa mga bahay ni former Mayor Fajad Salic at incumbent Vice Mayor Arafat Salic," pahayag ni C/Insp. William Santos ng Drug Enforcement Group.
"Kilala pong drug lord 'yung pamilya nila sa Marawi. Kasama sila sa drug list na nilabas ng presidente natin," dagdag pa ni Santos.
"Abandoned na ang mga bahay... 'Yung bahay ay ginawang staging area ng Maute," dagdag ni Santos.
Naaresto si Fajad Salic noong Hunyo sa kasong rebelyon. Pinaghihinalaang may kaugnayan siya sa mga teroristang sumalakay sa Lungsod. 
Noong nakaraang Biyernes, dalawang kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P10 million ang nasamsam ng mga awtoridad mula naman sa bahay ng dating alkalde ng Marawi na si Omar Solitario Ali.

5kg shabu, nasamsam sa bahay ng Vice Mayor ng Marawi 5kg shabu, nasamsam sa bahay ng Vice Mayor ng Marawi Reviewed by Jhon on 08:25 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.