'Trip-trip lang': Lalaki, inaming nirape ang 2 sa minasaker sa Bulacan habang lulong sa Droga

"Wala lang po, parang trip-trip lang... Naisipan lang pasukin, ganoon. Hindi naman po sinadya namin na talagang -- kusa lang pong pinasok," Ito ang pahayag ng suspek na si Carmelino Ibañez nang tanungin kung pinalano ba nila ang krimen.

Bumungad sa padre de pamilyang security guard na si Dexter Carlos Dizon Sr. ang duguang bangkay kaniyang biyenan, asawa, at tatlong anak matapos umuwi galing trabaho nitong Martes sa Brgy. Sto. Cristo, San Jose Del Monte City sa Bulacan.

Walang saplot at tadtad ng saksak ang biyenan at asawa niya na pinaniniwalaan na hinalay muna bago pinatay. Base sa ulat, ang matandang Dizon ay nagtamo ng 32-saksak sa katawan habang si Estrella naman ay 45 saksak na kapwa hinalay ng mga suspek.



Inamin ng suspek na tumira muna sila ng P150.00 halaga ng shabu at nag-inuman bago pinasok ang bahay ng mga biktima bandang alas-2 ng madaling araw ng Martes.

Idinagdag pa ng suspek na hindi nila ginustong patayin ang mga bata. 

"Hindi po namin alam na may bata doon, ano na po kasi sa droga... Iyung mga bata, nakaka-meet ko rin po iyun. Minsan po kasi, nanood iyun sa kabila, sa ano ng ate ko, bahay," pahayag nuya.

Sumuko si Ibañez dahil umano sa pag-sisisi sa nagawang krimen.



'Trip-trip lang': Lalaki, inaming nirape ang 2 sa minasaker sa Bulacan habang lulong sa Droga 'Trip-trip lang': Lalaki, inaming nirape ang 2 sa minasaker sa Bulacan habang lulong sa Droga Reviewed by Jhon on 09:13 Rating: 5

1 comment:

Powered by Blogger.