Dating Senadora Miriam Defensor-Santiago, pumanaw na sa edad na 71



Pumanaw ngayong ika 29 ng Setyembre si dating Senadora Miriam Defensor Santiago sa edad na 71. Ganap na alas-8:52 ng umaga nitong Huwebes siya binawian ng buhay dahil sa sakit na lung cancer, ayon sa kanyang asawang si Atty. Jun Santiago. 

"She died peacefully in her sleep this morning," ayon kay Santiago. 

Kinumpirma din sa facebook ng kanyang anak na si Mechel T. Santiago ang pagyao ng dating senadora. “Mahal na mahal ka namin, Ma. Hindi na po kayo mahihirapan ngayon. Kasama n’yo na po ang ating Panginoon,” post ni Mechel. “Maraming salamat sa inyong pagmamahal sa amin, sa inyong pamilya at sa ating bayan,” 

Si Santiago ay binawian ng buhay habang nakaconfine sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig. 

Taong 2014 nang inanunsyo ng senadora na mayroon siyang stage 4 lung cancer. Sa kabila nito, ipinagpatuloy nya ang kanyang panunungkulan bilang Senador at tumakbo pa bilang pangulo noong nakaraang May 2016 eleksyon kung saan nanalo si Pangulong Rodrigo Duterte.
Dating Senadora Miriam Defensor-Santiago, pumanaw na sa edad na 71  Dating Senadora Miriam Defensor-Santiago, pumanaw na sa edad na 71 Reviewed by Jhon on 08:59 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.