PNP-AIDG: De Lima, tinawagan ni Marcelino bago arestuhin
Inihayag ng PNP-AIDG (Philippine National Police - Anti Illegal Drugs Group) na isa si Senador Leila de Lima sa mga tinawagan ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino nang maaresto ito sa pinaghihinalaang shabu laboratory sa Sta. Cruz Maynila noong Enero.
Si Marcelino ay kilalang Anti-Drug crusader at dating naging parte ng Special Enforcement Service ng PDEA. Kasama ang mga undercover agents ng PDEA-SPS, pinangunahan nya ang pag-aresto kay Manuel Lim, anak ni Dating Mayor Antonio Lim at tatlong iba pa noong March 2008.
Iginiit ni Marcelino na inosente sya at kasalukuyang nagsasagawa ng intelligence operation na tinatawag na Oplan Moses nung araw na iyon. Samantala, inilahad naman ni ISAFP Chief Army Lt. Col. Eduardo Ano na ang hawak nyang papeles upang magsagawa ng Oplan Moses ay expired na noon pang 2014.
Tinawagan umano nito si De Lima at iba pang opisyal ng pamahalaan gaya ni General Director Pedroza at Maj. Gen. Eduardo Año, sa pag-asang makahanap ng backer, upang maipaliwanag kung bakit naroon sya sa naturang shabu laboratory kasama si Yan Yi Shou, kung saan narecover ang 76 na kilo ng shabu.
Nakaloud speaker umano ang cellphone ni Marcelino kaya narinig ng mga operatiba ang pag-uusap nila ni De Lima. Batay sa records ng PNP, dumalaw pa umano si De Lima kay Marcelino nang nakakulang ito sa Custodial Center sa Campo Crame na sya ring kinumpirma ni Marcelino. May recording din umano ang PNP sa pag-uusap ng dalawa na gagamitin nila laban sa kanya.
Source: Radyo Inquirer

Reviewed by Jhon
on
09:53
Rating:
No comments: