Wag isisi sa Pangulo ang Pagbababa ng Piso - SEC. DIOKNO
“It has nothing to do with the President’s statements,” ayon kay Sec. Diokno sa press briefing sa Malacañang.
Idinagdag din nya na ‘Wag nang sisihin si Pangulong Rodrigo Duterte at walang kinalaman sa paghina ng piso ang mga pahayag nito kamakailan laban sa United Nations, United States at sa European Union’.
Kamakailan lamang ay makailang ulit na idiin ng Pangulo na wag makialam ang UN, US at EU sa kampanya ng bansa laban sa droga at krimen. Kasabay ng mga kaganapang ito ay ang pagsadsad ng piso na naging dahilan upang ilahad ng ilang reporter na ito ang dahilan ng pagsadsad ng piso.
Sumadsad ang piso sa P48.25 kontra sa US dolyar, ang pinakamababang antas nito sa loob ng pitong taon. Gayunpaman, inilahad ni Sec. Diokno na wala dapat ikabahala ang sambayanan sa pagbaba ng piso. Ipinaliwanag din nya na hindi lang ang piso ang bumaba kundi pati ang ibang salapi sa Southeast Asia dahil sa pagtaas ng interest rate ng Federal Reserve.
”Depreciation of peso is a result of the strengthening of dollar more than the weakening of the peso and why is the dollar strengthened? Because of the impending increase in the interest rate by the Fed. This has been ongoing for several quarters already,” dagdag pa ni Sec. Diokno.
”The other fear is that the depreciation of the peso will result in higher inflation. This is misplaced. The official inflation target is two to four percent. We are much lower than two,” sabi niya.
Samantala, ikinatuwa naman ng mga kababayan nating OFW at mga kamag anak sa bansa. Dahil sa pagbaba ng piso, mas malaki na ang halaga ng pera na kanilang natatanggap.
Ayon kay Sec. Diokno, may sapat na reserbang dolyar ng Bangko Sentral ng Pilipinas na umaabot sa USD85.7 billion.
Wag isisi sa Pangulo ang Pagbababa ng Piso - SEC. DIOKNO
Reviewed by Jhon
on
07:52
Rating:
No comments: