Dalagitang nirape umano ng ama sa loob ng sampung taon, nailigtas ng CHR,PNP
Isang 17 taong gulang na dalaga mula Negros Oriental ang nailigtas ng owtoridad nitong Biyernes matapos humingi ng tulong ang biktima sa Commission on Human Rights (CHR).
Ayon sa sulat na natanggap ng CHR, sinulat ng dalaga na siya ay biktima ng panggagahasa ng ama simula pa noong 2007. Agad naman iniligtas ng CHR at ng Provincial Intelligence Bureau (PIB) ng Philippine National Police (PNP) sa kanyang bahay sa Barangay Basak, Zamboanguita in Negros Oriental.
Ayon kay Dr. Jess Cañete, CHR-Negros Oriental chief atspecial investigator, ang dalaga ay nasa kanila na umanong kustodiya at isasailalim sa medico-legal examination. Ayon kay Cañete, pinagbantaan umano ng ama ng biktima na papatayin niya ito kung magsusumbong siya sa pang-aabusong ginagawa.
Wala daw alam ang ina at mga kapatid ng biktima na nangyayari ito.
Itinanggi naman sa isang interview ng ABS-CBN News Dumaguete, itinanggi ng ama ang panggagahasa sa anak subalit inamin naman nitong napagbuhatan na niya minsan ng kamay ang biktima dahil wala umano siya lagi sa kanyang bahay.
Nakumpiska umano ng awtoridad sa bahay ng suspek ang isang caliber .357 revolver na may dalawang bala at 3 live shotgun shells. Dahil dito, sasampahan din ng kasong illegal possession of firearms and ammunition ang ama ng biktima.
Dalagitang nirape umano ng ama sa loob ng sampung taon, nailigtas ng CHR,PNP
Reviewed by Jhon
on
07:57
Rating:
No comments: