Unang Pinoy na napaDEPORT dahil kay Trump, nagsalita na
Pitong taong nanirahan sa United States of America (USA) bilang undocumented immigrant si Rey Galleon. Siya ang kauna-unahang Pinoy na inaresto ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) mula nang maupo si President Donald Trumpsa pwesto.
Kakauwi lamang ni Galleon mula sa paghahatid sa kanyang 9 na taong gulang na anak sa paaralan nang makita niyang may mga taong nagtatanong sa kanyang mga kapitbahay at hinanap siya at ang kanyang asawa.
Kinausap niya ang mga ito at sa di inaasahang pag-kakataon ay mga immigration agents pala sila na may layong arestuhin siya at ang kanyang asawa. Pinayagan siya ng mga agents na pumasok sa loob ng bahay upang magpalit ng damit, doon siya nakakuha ng pagkakataong alertuhin ang kanyang asawa na illegal ding naninirahan sa Amerika. Pinatakas niya sa likod ng bahay ang asawa at isa pa nilang anak.
Dinala siya ng ICE sa Homeland Security Office sa Long Beach.
“Pinapili nila ako kung uuwi ba ako or gusto ma detain,” pahayag niya.
Agad siyang iniskortan sa Los Angeles International Airport at mga bandang 10 p.m. sakay na siya ng eroplano papuntang Pilipinas na siya rin mismo ang nagbayad.
Si Galleon ay dating miyembro ng Pilipino Workers Center (PWC), at agad nagtungo sa kanila upang humingi ng tulong.
Ayon sa PWC, walang criminal record si Galleon at may 2 US citizen na anak, sapat na sana ito upang di siya maipadeport.
“ICE, if you interact with them, are trying to get you to sign your own voluntary departure. He was asking for legal assistance and they were ignoring that and in the end they gave him false options," pahayag ni Aqui Soriano Versoza ng Pilipino Workers Center.
"There was a bond process. If he was able to connect to legal services like here at PWC, we could've galvanized legal support and community support so that he could've gotten out on bond,” dagdag pa niya.
Ang asawa at anak ni Galleon ay sinundan siya sa Zamboanga isang lingo matapos siyang madeport dahil wala na silang ibang lugar na mapuntahan.
Unang Pinoy na napaDEPORT dahil kay Trump, nagsalita na
Reviewed by Jhon
on
07:53
Rating:
No comments: