300 Militante umatake at nanghostage sa isang paaralan
MANILA, Philippines - Tinatayang 300 armadong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang umatake sa isang eskwelahan at Cafgu detachment sa Barangay Malagakit sa bayan ng Pigkawayan, North Cotabato, kahapon ng umaga.
"We can confirm that they occupied a school and there were civilians trapped. We are in the process of determining how many were trapped and their identities," pahayag ni Chief Inspector Realan Mamon, director ng Pigcawayan police.
Ayon kay Army 602nd spokesperson Captain Nap Alcarioto, pinamunuan nina Kumander Abunawas Damiog, Abu Zaiden, Abu Sala, at si Agila ang pag-atake sa nasabing lugar.
31 sibilyan ang hinostage ng mga militante kabilang ang 12 bata na ginawa nilang pananggalang sa pagtakas. Wala namang nasaktan sa mga nasabing hostage.
"The enemy made a hasty withdrawal, leaving behind 31 hostages, among them 12 youngsters," pahayag ni Brigadier General Restituto Padilla sa Reuters.
Naganap ang pag-atake sa gitna na rin ng una nang napaulat na may plano ang BIFF na sumaklolo sa Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Marawi City.

Inamin ni Pigcawayan Mayor Eliseo Garsesa na may natanggap silang report ukol sa posibleng pag-atake ng grupo dalwang linggo na ang nakararaan.
"During the past weeks, may mga haka-haka nang ganito... Ang ginagawa namin sa aming munisipyo buong gabi ay pinapalabas ang mga residente ng Malagakit at neighboring barangay, most especially the women, the old people and the children," pahayag niya.
"Dito sila pinatutulog sa aming evacuation center sa center ng municipality. The following morning, pinabalik sila to continue with their farming activities."
Dahil dito, lumobo na sa halos libong katao ang lumikas mula sa apektadong barangay ng Pigkawayan.
Sinuspendi na ng Department of Education ang pasok sa lahat ng level sa Pigcawayan West District matapos sumiklab ang bakbakan.
Nagsiatras na ang mga kalaban patungo sa direksyon ng kagubatan habang patuloy naman ang pagtugis ng tropa ng militar at pulisya.
300 Militante umatake at nanghostage sa isang paaralan
Reviewed by Jhon
on
07:24
Rating:
No comments: