Bilyun-bilyong pisong halaga ng mga FAKE GOODS, nasabat sa warehouse sa BULACAN
Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang bilyun-bilyong pisong halaga ng mga pekeng produkto noong Sabao sa isang Warehouse sa Bulacan. Ayon kay Customs Intelligence and Investigation Service Director Neil Estrella, tinatayang aabot sa isang bilyong halaga ang nakumpiskang mga produkto, makinarya, at raw materials.
Kabilang sa natagpuang mga pekeng produkto ang ilang kilalang brand ng shampoo, whitening soap, dishwashing liquid at sigarilyo.
Ang mga nasabing pekeng produkto ay kadalasan umanong ibinebenta sa probinsya na karaniwang mas mura ng halos 40% kumpara sa original na produkto.
"And walang factory na ina-allow na gumawa ng iba't ibang brand ng product para sa iba't ibang company [No factory is allowed to produce different brands of products for different companies]," pahayag ni John Sacriz, isang brand representative.
Ayon sa awtoridad, ang warehouse ay nagsisilbi din umanong manufacturing plant. Natagpuan sa loob ang mga makina at raw materials gaya ng mga kemikal, packaging at mga dahon ng tabako para sa paggawa ng sigarilyo.
"They are now producing it in the country so this is one big blow against those who are trying to produce these fake commodities," pahayag ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Natagpuan din ang ilang smuggled goods gaya ng bigas at mga sapatos.
Binalalaan naman ng awtoridad ang publiko sa paggamit ng mga nasabing produkto.
"There could be some effects sa buhok o sa scalp ng tao pag ginagamit ito regularly kasi hindi regulated itong products o chemical na ginagamit nila [There could be some effects on the hair or scalp when fake shampoos are used regularly because the products or chemicals they use are not regulated]," pahayag ni Sacriz.
Bilyun-bilyong pisong halaga ng mga FAKE GOODS, nasabat sa warehouse sa BULACAN
Reviewed by Jhon
on
07:01
Rating:
No comments: