Mahigit 7,000 trabaho sa United Kingdom, bukas sa mga Pinoy

Halos 7,200 trabaho ang bukas sa mga Pilipino sa bansang United Kingdom. 


Nasa 21,000 lahat ang mga highly skilled workers na kailangan ng UK at 9,000 dito ang buakas para sa mga Pinoy.
Ayon sa POEA, napunan na ang 1,200 positions dito kaya may natitira pang 7,200 job openings para sa mga Pilipino.




Ilan sa mga kailangan nila na may malalaking sweldo ang mga civil engineer, lineman, foreman at nurses. Kailangan din ng UK ang mga computer programmer, cook, bookkeeper, at cashier.
Ayon sa POEA, mas madali umano matanggap kung may matagal nang job experience at sumailalim ng mga training ang isang aplikante.
Dadaan sa mga recruitment agency ang lahat ng opening sa UK.
Ipinayo naman ng POEA na  hanapin muna ang mga job opening sa kanilang website para hindi maloko ng mga illegal recruiter. Dito ay makukuha lahat ng kailangang impormasyon kabilang na ang pangalan, address at contact information ng recruitment agency kung saan maaaring mag-apply.
“First world country siyempre, mahigpit sila sa qualification education experience trainings and seminars,” ani POEA Deputy Administrator Jocelyn Sanchez. 
Mahigit 7,000 trabaho sa United Kingdom, bukas sa mga Pinoy Mahigit 7,000 trabaho sa United Kingdom, bukas sa mga Pinoy Reviewed by Jhon on 07:42 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.