Ama ng Maute Brothers, nahuli sa Davao



Nahuli sa isang checkpoint sa Sirawan, Toril, Davao City ang ama nina Omar at Abdullah Maute na si Cayamora Maute. Kasama rin niya sa van ang kanyang pangalawang asawang si Kongan Alfonso-Maute. 




Ayon kay Lt. Col. Nestor Mondia, detachment commander ng Task Force Davao, may suot umanong malong at face mask si Cayamora, Nang pinatanggal ang facemask, namukhaan umano ito ng pulis at kinumpirma din ng lalaki na siya nga si Cayamora.






"First of all, basing on the picture muna and secondly, the person confirmed his identity. Of course, we will have other identification procedures later on through his fingerprints and other scientific means of identification," pahayag ni Chief Supt. Manuel Gaerlan, regional director ng Philippine National Police XI sa isang press briefing.

“Alagaan nyo ang mga hostages and we will take care of your patriarch.” pahayag ni Gaerlan.


Kasama ding nahuli ang driver na si Aljon Salazar Esmael, Bensarali Tingao at asawang si Norjannah, anak ni Cayamora. Natagpuan din sa loob ng sasakyan ang isang granada .45 caliber pistol,  identification cards at P363,000 halaga ng salapi.

Patungo si Maute sa Davao City mula Cotabato City upang magpacheck-up.

“I really did not know they were Mautes. Had I known, I would have not agreed,” pahayag ng driver.

Nakadetain ngayon sa Davao City Police Office si Maute at sasampahan ng kasong rebelyon.

“The arrest of the patriarch of the Maute clan is a big blow to the Maute-ISIS terrorist group,” pahayag ni Brig. Gen. Gilbert Gapay, spokesperson ng Eastern Mindanao Command.


Tumangging magsalita si Maute, sa halip ay peace sign nalang ang kanyang pinapakita sa camera.






Ama ng Maute Brothers, nahuli sa Davao Ama ng Maute Brothers, nahuli sa Davao Reviewed by Jhon on 09:23 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.