Nanay ng Maute terrorist group Leader, arestado sa Lanao Del Sur

Arestado ang ina ng Maute terrorist leaders at siyam na iba pa nitong Biyernes ng hapon sa Masiu, Lanao del Sur.
Si Ominta Romato "Farhana" Maute at dalawa pang sugatang Maute group members ay naaresto sa Brgy. Kormatan, Masiu town, pahayag ni ARMM Regional Police Director Reuben Theodore Sindac.
"Two days ago, information was received from our [asset] that suspect was hiding in barangay Dayawan, Masiu, Lanao del Sur together with wounded members of Maute and it was revealed that Farhana was buying vehicles and firearms in the area to be used for their escape outside Lanao del Sur province," ayon sa situation report na sunimite kay police chief Director General Ronald dela Rosa.
Pitong babaeng hindi pa nakikila ang kasama ring naaresto. Narekober din ng pulisya ang ilang high powered firearms at improvised explosive devices mula sa mga suspek.
Makikita sa mga larawang nakuha ng ABS-CBN News ang mga baril, bomba at pera.


Pinaniniwalaan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ang ina ng Maute ang financier ng grupo matapos madiskubre sa kanyang bahay sa Marawi ang ilang mga bomba.
Nauna nang nahuli ng mga pulis noong Martes ang ama ng Maute brothers na si Cayamora Maute sa isang check point sa Sirawan, Toril, Davao City. 

Nanay ng Maute terrorist group Leader, arestado sa Lanao Del Sur Nanay ng Maute terrorist group Leader, arestado sa Lanao Del Sur Reviewed by Jhon on 09:35 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.