Sen. Cynthia Villar, nais ipagbawal ang UNLI RICE sa mga Restaurants
MANILA - "You know, the findings in other countries, mas better ang diet nila. Hindi masyadong maraming rice, may vegetable. If you really ask doctors, that’s a better diet," Ito ang pahayag ni Sen. Cynthia Villar sa mga reporters matapos ang committee hearing noong Miyerkules. Sa naturang hearing, iminungkahi niyang i ban ang “unli-rice” sa mga restaurants.
"So dapat i-train na rin nating mga Filipinos not to eat too much rice kasi nagiging diabetic. And you know, it’s expensive to cure diabetes. Parang sinasabi sa ibang bansa kaya hindi sila nagiging self-sufficient, because they have a better diet. So makakatulong iyon, iyong sinasabi nilang unlimited rice, hindi maganda iyon sa diet natin," dagdag pa niya.
Ang nasabing suhestiyon ay konectado sa pahayag ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol sa komite na layunin ng kanyang departamento na tapusin ang pag-iimport ng bansa ng bigas sa 2018.
Para kay Villar, hindi posibleng maging rice sufficient ang bansa pagdating ng 2018.
“It's really hard…but if they (DA) can solve the problem, they can be (resolved),"
"Iyon ang projection (2018) ni Secretary Piñol, kung makukuha niya. Kasi ang importation depends on production. If the production can meet the consumption, then no importation. Marami nang nag-project nang ganoon, hindi naman natupad," dagdag pa niya.
Sen. Cynthia Villar, nais ipagbawal ang UNLI RICE sa mga Restaurants
Reviewed by Jhon
on
07:12
Rating:
No comments: