Tower sa London nasunog, ilang Pilipino sugatan

Kinumpirma ng embahada ng Pilipinas sa London na may mga Pilipinong nasugatan sa sunog na naganap sa Grenfell Tower sa London ngayong Miyerkules.
Ayon sa opisyal na Facebook account ng embahada, nasa emergency shelters na ang mga sugatan.









12 katao na ang naiulat na nasawi matapos masunog ang 24-palapag ng gusali at inaasahang tataas pa ang bilang na ito. Tinatayang nasa 600 katao ang nasa loob ng gusali nang maganap ang sunog.
Ayon sa isang residente ng tower, bandang ala-una ng madaling araw naganap ang sunog.
"I could see there was ash coming through the window in the living room, which was partially open," pahayag ni Hanan Wahabi, 39, na nakatira sa ika 27 palapag ng Grenfell Tower.
"I looked out and I could see the fire travelling up the block. It was literally by my window," she said. "I slammed the window shut and got out."
Matapos makalikas ng kanyang pamilya, naalala niya ang kanyang kapatid na nakatira sa ika 21 palapag ng gusali.
"The fire hadn't reached the top of the block at that point," 
"He said he had been told to stay inside, stay in one room together and put towels under the door. I told him to leave. He said he was going to come. Then I called him and he said there was too much smoke."
"The last time I saw him they were waving out the window, his wife and children. The last time I spoke to his wife, he was on the phone to the fire brigade. I've not heard from them since, the phone is not going through, the landline isn't going through. That was about 2:00am." 
Isang paring Pilipino naman ang nakasaksi rin sa pangyayari. Ayon kay Fr. Larry Galon, ng St. John Church, nakita nyang may nakuhang bangkay ang mga awtoridad na di bababa sa 20 ang bilang.
“Nakita ko iyung maliliit atsaka malalaking katawan gawa ng most of the people who were left doon sa building na iyun ay mga matatanda atsaka mga bata. Children atsaka elderly, sila iyung naging prone doon sa sunog,” pahayag ni Galon sa interview ni Antonino Coloso Gamboa ng ABS-CBN Europe News Bureau.
“Nakakapanlumo talaga ng loob. Parang gusto ko na lang maiyak kanina gawa ng pag-retrieve nila ng bodies."
“So far, napakagaling ng pagtutulungan dito, mga Filipino at iba’t ibang lahi. Lahat nagtutulungan at kitang-kita yung effort sa bawat isa upang maiahon yung mga nasalanta sa sunog,” 
"Kitang-kita ko rin iyung heroes dito sa West London, ‘yung mga firefighters na ginawa talaga nila lahat para lang ma-retrieve yung katawan before ‘yung time na tatagal pa yung bodies dun sa loob ng building." pahayag niya.


Tower sa London nasunog, ilang Pilipino sugatan Tower sa London nasunog, ilang Pilipino sugatan Reviewed by Jhon on 07:01 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.