AGUIRRE, ipepresenta sa korte ang 3 SEX VIDEO ni DE LIMA


Inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na mapipilitan ang Department of Justice (DOJ) na iprisinta sa korte ang tatlo umanong s3x video ni Sen. Leila de Lima kung itatanggi parin nito ang relasyon nya kay Dayan.

                                                               Source: Nations Press

Si Ronnie Dayan ay ang dating driver ni Sen. Leila de Lima na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na boyfriend ng senadora. Ayon sa pangulo, sya rin umano ang nagsilbing bagman sa iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison. Mariin namang itinanggi ng senadora ang naturang akusasyon.

“Kung hindi niya i-a-admit [If she will not admit] during the trial ‘yung kanilang relationship [their relationship], then we’ll be forced to play (the video),” sabi niya.

“Malaki ang significance. Mag-e-explain iyun [It is significant. It will explain] why Ronnie Dayan was powerful, why Ronnie Dayan was able to extract money from drug lords… Because an ordinary driver cannot do it,” dagdag pa ni Sec. Aguirre.

Isinumite na ang mga nasabing videos sa NBI (National Bureau of Investigation) para mapatunayang hindi ito peke.

Iginiit naman ni De Lima na labag sa batas ang aksyon na gagawin ni Aguirre. "Alam niyang labag sa batas yan kung meron mang ganyang video. Please, stop. Pwede ba, tigilan niyo na talaga ako. What satisfaction are you getting from all this? This is so, so vile, this is so, so foul," sabi ni De Lima.

"Ayaw ko pong patulan yung mga ganyan. Gracious! Are they going to go to such extent? Ano bang napapala nila sa mga ganyan?" dagdag pa niya.



Kamakailan lamang ay nagbigay din ng pahayag si Pangulong Duterte ukol sa kaso laban kay De Lima. “Makukulong talaga iyan, sigurado yan, because of the testimonial evidence. [She will be jailed, that's for sure, because of the testimonial evidence.],” sabi ng Pangulo.

May mensahe din ang Pangulo sa mga bumoto sa Senadora“You elected a senator, kayong mga Pilipino, who was into narco-politics, who was being financed from the inside… [by] the convicts inside the prison,”

Samantala, sa kabila ng paglabas ng mga bigating personalidad sa New Bilibid Prison, mariin paring pinabulaanan ng Senadora ang lahat ng paratang  sa kanya. Inilahad din nya na ang mga nasabing preso ay tinorture umano upang tumestigo laban sa kanya. Idinagdag pa nya na kaya sa tinatrato ng ganito ay dahil sa kanyang pagkritiko sa mga Extrajudicial Killings na nangyayari sa bansa buhat nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa puwesto.
AGUIRRE, ipepresenta sa korte ang 3 SEX VIDEO ni DE LIMA AGUIRRE, ipepresenta sa korte ang 3 SEX VIDEO ni DE LIMA Reviewed by Jhon on 08:48 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.