House Speaker Alvarez, payag iplay ang 3 sex videos ni De Lima

“Para sa akin, wala naman sigurong deperensiya na ipanood ‘yan para malaman ng tao kung talagang totoo ‘yan o hindi (I don’t see anything wrong if we show it to the public so the people can judge if it’s true or not),” Ito ang pahayag ni House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez tungkol sa suhestiyon ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na ipalabas ang video sa isinasagawang imbestigasyon ng House Committee on Justice hinggil sa paglaganap sa ilegal na droga sa New Bilibid Prisons (NBP).





“Well kung talagang kinakailangan dahil para ‘yun ang mag-uugnay kung talagang merong personal relationship. E kung ayaw naman ni Sen. (Leila) De Lima na mag-appear sa House of Representatives, so let the people, let the public judge kung talagang totoo ‘yung video tape na ‘yan o hindi,” sabi niya.

Nauna nang itinanggi ni Senador Leila De Lima ang naturang sex videos.
“Well, she is denying that she is the one involved in that sex video, so kung magde-deny ka aba’y humarap ka dito at sabihin mo hindi ako yan, di ba? Ngayon kung ayaw mong mag-deny e let the people judge kung talagang hindi siya ‘yun. I think fair lang naman ‘yun, di ba?,”dagdag pa niya.
House Speaker Alvarez, payag iplay ang 3 sex videos ni De Lima House Speaker Alvarez, payag iplay ang 3 sex videos ni De Lima Reviewed by Jhon on 08:44 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.