De Lima: Ebidensya peke tulad ng WIG ni Aguirre

Source: UNTV


Inilahad ni De Lima na peke ang hawak na ebidensya ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa umano'y kaugnayan niya sa iligal na droga.

“Secretary Aguirre’s alleged evidence against me is like his toupee, his wig – fake and cosmetics only. There is nothing into it other than that. Nothing's authentic,” pahayag ng kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“What is real, however, are the killings. What is tragic is that these killings continue unabated,” dagdag pa niya. Mariin paring pinapabulaanan ni De Lima ang mga paratang sa kanya, sa kabila ng ginawang pagtestigo ni Colangco at ng iba pang kilalang kilabot sa preso ng Maximum security ng National Bilibid Prison. Si Aguirre at ang Pangulo na mismo ang nagsabi ukol sa kanyang kaugnayan sa narcopolitics.

“The criminals, including these so-called vigilantes, are getting bolder; while the victims are getting younger. Some 20,584 minors have reportedly been exploited into drug use and peddling,” dagdag pa ni De Lima, na syang nanguna sa pagdinig sa mga kaso Extra Judicial killings sa bansa.

“At this point, the Justice Department should instead focus its efforts in investigating and prosecuting the syndicates -- the real culprits -- who force these minors to go into drug pushing,” dagdag pa niya.
Hinamon naman ng kalihim ang senadora na humarap sa pagdinig ng kamara.


 Inilahad naman ni Sec. Aguirre na ang paghalintulad ng senadora sa kanyang wig sa mga hawak nilang ebidensya ay isang desperadang taktika lamang ng senadora upang mabaling ang atensyon ng mga tao. Hinamon din nito na humarap ang senadora sa pagdinig ng kamara.
De Lima: Ebidensya peke tulad ng WIG ni Aguirre De Lima: Ebidensya peke tulad ng WIG ni Aguirre Reviewed by Jhon on 08:09 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.