3 Abu Sayyaf na planong mambomba sa Zamboanga, arestado

Arestado ang tatlong pinaghihinalaang tauhan ni Abu Sayyaf sub-lider Alhabshi Misaya sa isang Pension House nitong Lunes, October 3 sa Zamboanga City habang tatlong iba pa ang nakatakas.


Ayon sa otoridad may plano umanong mangidnap ng isang negosyante ang mga suspek at magsagawa ng pambobomba sa Zamboanga City. Nakumpiska mula sa pension house ang calibre 45 pistol, tatlong granada at mga sangkap sa paggawa ng bomba. Ang nasabing pension house ay di rin kalayuan mula sa Zamboanga City hall. 

Ayon kay Senior Supt. Luisito Magnaye, hepe ng Zamboanga City Police, pawang mga bomb maker ang tatlong suspek. Agad dinala sa Zamboanga Central Police Office ang tatlo upang isailalim sa masusing imbestigasyon. 

Kinilala ang tatlong naaresto na sina Jabar Ignohassim Y Sampang, Abdula Yusok Y Bakil, Asde De la Cruz, na pawang taga Sulu. 

Tinutugis pa sa kasalukuyan ang tatlong nakatakas na suspek. Hinigpitan pa lalo ang seguridad sa lungsod, lalo na't kasisimula pa lang din ng isang linggong selebrasyon sa buong lungsod.

Nanawagan ang kapulisan na isumbong kaagad sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya ang mga taong kahina-hinala ang kilos. 
3 Abu Sayyaf na planong mambomba sa Zamboanga, arestado 3 Abu Sayyaf na planong mambomba sa Zamboanga, arestado Reviewed by Jhon on 09:04 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.