Sexy actress na si KRISTA MILLER at 2 pang FHM MODEL huli sa drug-bust




Huli sa isinagawang isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang sexy aktress na si Krista Miller o Krystaline Engle Bacolod sa totoong buhay at anim pang iba.


Unang naaresto ng mga miyembro ng District Anti-Illegal Drugs Division sa magkakahiwalay na operasyon nitong weekend ang FHM magazine models na sina Liaa Alelin Bolla at Jeramie Padolina at tatlong lalaking suspek sa Quezon City.

Narekober mula sa kanila ang pitong sachet ng shabu at drug paraphernalia, marijuana,at ang tatlong piraso ng P500 buy-bust money.

Itinuro nila Bolla at Padolina si Krista Miller bilang source ng kanilang droga, ayon sa Quezon City Police District (QCPD).

Dahil dito, nagsagawa ng follow-up buy-bust operation ng SAID-SOTG, kasama ang QCPD Special Operation Unit sa Brgy. Gen. Tiburcio Gen. T. de Leon, Valenzuela City. Dito na naaresto si Miller at ang kasama nyang si Aaron Medina.

Naging kontrobersyal noon si Miller bilang sanhi umano ng hiwalayan nina Cesar Montano and Sunshine Cruz. Naugnay din sya sa iligal na droga noong 2014 nang bisitahin nya ang convicted drug lord na si Ricardo “Chacha” Camata sa hospital. Si Camata ay ang lider ng Sigue-Sigue Sputnik Gang.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag si Miller.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isasampa sa mga suspek.


Sexy actress na si KRISTA MILLER at 2 pang FHM MODEL huli sa drug-bust Sexy actress na si KRISTA MILLER at 2 pang FHM MODEL huli sa drug-bust Reviewed by Jhon on 07:13 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.