‘Sex videos’ ni De Lima, hindi na ipapalabas sa Kamara

Hindi na matutuloy ang pagpapalabas ng umanoy sex Video ni Sen, Leila de Lima sa ikatlong pagdinig ng House of Representatives Justice Committee.

Kinumpirma ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na wala sa kanyang possession ang kopya ng nasabing sex videos.

Nauna nang ibinalita ni Aguirre na may kopya ang National Bureau of Investigation (NBI) ng tatlong video umano ni De Lima. Isinumite ito sa NBI for verification. 

Ang nasabing mga sex videos ay nakuha umano ng kanyang impormante sa mismong cellphone ni Ronnie dayan, ang dating driver at lover umano ni De Lima. 

Ipinahayag noon ni Aguire na malaki ang kahalagahan ng video. Ito ang magpapaliwanag kung bakit makapagyarihan si Ronnie Dayan, kung bakit sya ang nagsisilbing bagger or tagakolekta ng pera sa Bilibid. Hindi umano ito kayang gawin ng ordinaryong driver lamang. 

Inamin ni Aguirreng napanood niya ang isang sex video, at sina de Lima at Ronnie Dayan ang nasa video. 

Tiniyak naman ni Aguirre na mapapatutunayan pa rin nila ang relasyon ni De Lima kay Dayan kahit di nila mapapalabas ang nasabing videos.

"Very material iyon. Ang sinasabi ko lang, sobra-sobra na ang ebidensiya doon sa magpapatunay sa kanyang relasyon. Kaya whether gamitin mo man o hindi ang video, I could establish their relationship," ani ni Aguirre. 

 Idinagdag din ni niya na mayroon na silang 10 bagong mga testigo na ihaharap sa komite. Samantala, hindi parin nakikita si Dayan at nasa loob parin ng hospital si Jaybee Sebastian.
‘Sex videos’ ni De Lima, hindi na ipapalabas sa Kamara ‘Sex videos’ ni De Lima, hindi na ipapalabas sa Kamara Reviewed by Jhon on 08:38 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.