Mark Anthony Fernandez, nahulihan ng Isang Kilong Marijuana

Naaresto noong lunes ng gabi ang aktor na si Mark Anthony Fernandez.


Ayon kay Chief Insp. Francisco Guevara Jr., nagsasagawa umano ng checkpoint ang mga pulis sa may Brgy. De los Remedios bandang alas-9:30 nang gabi nang mapansin nila ang walang plakang dilaw na mustang. Kumaripas ng takbo ang sasakyan nang makita nito ang checkpoint. Mabilis na rumesponde ang mga pulis at pinaputukan ang harap na gulong nito.

Umaabot sa halagang 15,000 pisong marijuana ang nakumpiska mula sa aktor. Ayon kay Fernandez, ginagamit umano nya ang marijuana para sa kanyang arthritis at panlaban sa cancer noon pang 2008. Ito umano ang payo ng kanyang yumaong amang si Rudy Fernandez.

Dati nang nasangkot sa droga si Fernandez. Taong 2004 nang boluntaryo siyang pumasok sa Bicutan Rehabilitation Center.

Sa ngayon ay inaalam na ng pulisya ang supplier ng Marijuana sa Angeles, Pampanga.

Siya ay maaaring maharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 26 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act 9165 kung saan wala itong piyansa.

 
Mark Anthony Fernandez, nahulihan ng Isang Kilong Marijuana Mark Anthony Fernandez, nahulihan ng Isang Kilong Marijuana Reviewed by Jhon on 10:57 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.