2 pulis, TUMAKBO at NAGTAGO mula sa shoot out, sinibak at pinagtraining ulit


MANILA, Philippines - Huli sa video ang pagtakbo sa shooting incident sa anti-drug war ang dalawang bagitong miyembro ng Pasig City Police. Sinibak sa puwesto ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa sina PO1 Herminio Mana­lastas at PO1 Jayson Riego.





Ayon kay PNP Spokesman P/Sr. Supt. Dionardo Carlos ipinasasailalim muli ni dela Rosa ang dalawa sa refresher course ng PNP SAF Commando Training.

“Sa panahon ngayon ang ating mga pulis ay dapat maging sensitibo na sa mga nangyayari sa kanilang paligid at laging unahin ang pagresponde sa mga nanga­ngailangan”, ani Carlos.

“ We have this sworn duty to serve and protect and we have to be more dedicated because it is our mandated task “

Labis na nadismaya si dela Rosa nang mapanood ang kumalat na video. Binigyang diin ni Carlos ng PNP Chief na ang pulis ay palaban, matapang at hindi duwag.

Ayon sa owtoridad, may lalaking namaril umano ng hinihinalang drug pusher, sa halip na rumisponde ay nagtakbuhan at nagtago and dalawa.

“Yung totoong pulis ay lumalaban at hindi tumatakbo sa labanan. Yan ang kultura na gusto nating mai-develop sa PNP pero hindi naman yung abusado. As what our Chief PNP always say, we want them to adapt a warrior culture”, diin pa ni Carlos.
2 pulis, TUMAKBO at NAGTAGO mula sa shoot out, sinibak at pinagtraining ulit 2 pulis, TUMAKBO at NAGTAGO mula sa shoot out, sinibak at pinagtraining ulit Reviewed by Jhon on 10:03 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.