'Pinagtago ako ni De Lima'' – Ronie Dayan

Sa muling pagdinig ng House Committee on Justice, inamin ni Ronnie Dayan na inutusan umano siya ni da­ting Justice Secretary at ngayon ay Sen. Leila de Lima na magtago at huwag humarap sa pagdinig ng Kamara kaugnay sa iligal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).


"Sabi ko sa anak ko, i-text mo iyan kasi tuwing negte-text ako, hindi na siya nag-rereply kasi eh, kaya itong mga anak ko pina-text ko. Ang reply niya sa anak ko, 'Huwag mo siyang pa-attend... Huwag siyang umattend diyan, pagkakaguluhan lang siyan diyan. Sabi niyang ganun, 'Pagtatawanan lang kaming dalawa, magiging kahiya-hiya lang kami diyan na dalawa,'" ito ang pahayag ni Ronnie Dayan kung bakit siya nagtago
"Gustong-gusto ko pong attendan iyung hearing pero ang sabi ni Ma'am sa text niya sa aking anak na si Hannah Mae Dayan: 'Pakisabi sa kanya magtago lang siya... Papipiyestahan lang siya at silang dalawa kapag nag-appear siya sa hearing.'" pahayag ni Dayan.

Binasa naman ng anak ni Dayan na si Hannah Mae Dayan ang text na natanggap umano niya mula kay De Lima noong Ocotber 1, 2016.

Ito ang laman ng text message:

“huwag siyang umattend diyan, pagka­kaguluhan lang siya diyan, pagtatawanan lang kaming da­lawa, magiging kahiya-hiya kami dyan dalawa”. 
 “Paki sabi sa kanya na magtago lang siya. Kagagawan nila Speaker Alvarez at dikta ni Digong. Pagpipiyestahan lang siya at kapag nag-appear siya sa hearing”.
'Pinagtago ako ni De Lima'' – Ronie Dayan 'Pinagtago ako ni De Lima'' – Ronie Dayan Reviewed by Jhon on 07:34 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.