BLAKDYAK natagpuang PATAY

Natagpuang patay ng kanyang anak ang singer-comedian na si Blakdyak sa kanyang inuupahang apartment sa Sampaloc, Maynila Lunes bandang alas sais ng gabi.



Nagkalat umano ang mga gamit nito at nakabalot ng plastik ang kanyang ulo.
Isinantabi naman ng pulisya ang motibong foul play sa kanilang imbestigasyon.
Ayon sa security guard ng gusali, bandang alas onse ng gabi noong Lunes, pumasok sa apartment at umakyat sa rooftop si Blakdyak. Bandang alas dos y medya ng madaling araw na raw pumasok sa kanyang kwarto ang singer-comedian.
Ayon naman sa asawa nyang siTwinkle Estanislao, asawa ni Blakdyak, sa report ni Hajji Kaamino ng DZMM nitong Martes, walang problema umano ang komedyante sa kanyang career lalo't sunod-sunod ang kanyang gig sa mga bar.
Subalit ayon naman sa isang matalik na kaibigan ni Blakdyak ay nakaranas ito ng stress noong isang linggo dahil nais nitong magkaroon ng out of town shows.
Si Blakdyak o Joseph Formoran Amoto sa totoong buhay ay sumikat noong dekada 90 dahil sa kanyang mga kantang "Modelong Charing" "Asin At Paminta" at "Good Boy" at marami pang iba.



BLAKDYAK natagpuang PATAY BLAKDYAK natagpuang PATAY Reviewed by Jhon on 10:55 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.