Bawal na ang bulsa sa uniporme ng NAIA employees



Ipinagbawal na simula kahapon ang pagkakaroon ng bulsa ng mga empleyadong nagtatrabaho sa ramp baggage loading areas sa tatlong paliparan ng Ninoy Aquino Inter­national Airport (NAIA). Bukod pa sa “No Pocket” policy, pinagsabihan din ang mga tagalinis ng eroplano na huwag magsuot ng mga alahas upang di mapaghinalaang nagnakaw ng alahas, o namulot ng mga alahas na naiwan sa loob ng eroplano.

May mga reklamo umanong natatanggap ang kanilang opisina ukol sa mga nawawalang alahas at iba pang mamahaling gamit sa mga bagahe ng mga pasahero matapos nilang kunin ang mga luggage sa carousel.

“Mas mabuti na ma­ilayo ng MIAA (Manila In­ternational Airport Authority) sa tukso ang mga baggage handler upang mapa­ganda ang imahe ng airport lalo na sa mga dayuhang turista at balikbayan,” ani ni Ret. Gen. Angel Atutubo, MIAA ass­istant general manager for security and emer­gency services.

Bukod pa dito, kinakailangan ding isurender ng mga empleyado ang lahat ng kanilang mga gamit sa airport personnel bago sila magsimula magtrabaho.

Unang paglabag sa policy na ito ay warning, pangalawang paglabag ay pagkansela sa  access passes, ang pangatlong paglabag ay pagkatanggal na sa trabaho.


Bawal na ang bulsa sa uniporme ng NAIA employees Bawal na ang bulsa sa uniporme ng NAIA employees Reviewed by Jhon on 08:09 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.