Nambomba sa Davao, nahuli na
Nahuli na sa wakas nag nambomba sa night market sa Davao City noong Setyembre 2 ng gabi na naging sanhi ng pagkasawi ng 15 katao. Nasakote ang mga suspek sa checkpoint sa Cotabato City noong Oktubre 4.
Source: Philstar
Idinaan muna sila sa masusing imbestigasyon bago isapubliko.
Source: Inquirer
Iprinisinta nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security Adviser Hermogenes Esperon at mga opisyal ng AFP sa press briefing sa Camp Aguinaldo kanina ang tatlong suspek.
Ang mga suspek ay nakilalang sina TJ Tagadaya Macabalang, Wendel Apostol Facturan at Musali Mustapha. Sila ay miyembro umano ng ‘Maute terrorist group’ na may planong makipag-alyansa sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) at kaalyado ng Abu Sayyaf Group.
“ We have recovered solid pieces of evidence showing that they are indeed the terrorists who bombed Davao City on September 2. The case is closed”, sai ni Lorenzana.
Ang mga nasabing suspek ay estudyante umano ng Jemaah Islamiyah (JI) terrorist na si Zulkipli bin Hir alyas Marwan, na napatay sa Oplan Exodus noong Enero 25, 2015 sa Mamasapano, Maguindanao na naging dahilan ng pagkasawi ng 44 Special Action Force (SAF) commandos.
Narekober din mula sa mga suspek ang isang 20 minutong video ng nangyaring madugong pagsabog sa Davao. May ikalawang video pa na nagpapakita ng bomb manual.
Huli din sa follow-up operation ang ama ni Macabalang na si Teng Macabalang, sa raid sa bahay nito sa Brgy. Rosary Heights, Cotabato City nitong Biyernes. Ayon kay Año, ‘accessory to the crime’ umano ang suspek dahil dito itinambak ang mga bomba na ginamit.
Idinagdag din ng mga opisyal na may plano rin ng grupo na magsagawa ng terorismo sa mga urban centers.

Reviewed by Jhon
on
09:02
Rating:
No comments: