Gordon: 545 patay sa Chicago, bakit di sila ginugulpi ng UN?

Ipinagtataka ni Sen. Richard Gordon kung bakit ginugulpi ng United Nations ang Pilipinas tungkol sa bilang ng mga namamatay sa bansa mula nang maupo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto.



"545 na Chicago, isang syudad sa us bakit hindi ginugulpi ng UN. Compare the statistics between 1 city and 1 country" pahayag ni Gordon na chairman Senate Committee on Justice and Human Rights. Umabot na umano sa 3000 ang namatay simula ng maupo ang Presidente.

Ayon sa kanya, hindi nya ikinasasaya na may namamatay dahil sa laban kontra droga, pero hindi nya matanggap kung bakit inaapi ang Pilipinas ng mga puti kung sila mismo sa kanilang bansa ay di rin mapigil ang patayan.

"Kung nagdudutdot sa micropono yung mga senador dito, dudutdutin ko rin sa mata yung mga nagmamagaling na puti na sinasabi nila , oy porke (tayo) 3rd world country, mataas kami sa inyo mas magaling antas namin, pero pag tiningnan mo sa record 516 isang syudad lamang, isang syudad sa buong Amerika, syudad kung saan nanggaling si Obama." sabi ni Gordon.

"one dead is one dead is one dead two many, sobra kailangan imbestigahin pero wag silang (ganyan), let he who has no sin cast the first stone." dagdag pa niya.

 Idinagdag din nya na handa ang senado na tulungana ang kapulisan, na kung kinakailangan ng camera ng mga pulis upang kapag bumaril sila ay makita agad kung ano talaga ang nangyari.
Gordon: 545 patay sa Chicago, bakit di sila ginugulpi ng UN? Gordon: 545 patay sa Chicago, bakit di sila ginugulpi ng UN? Reviewed by Jhon on 09:26 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.