Paalam at maraming salamat Miriam
Inihatid na sa kanyang huling hantungin si dating Senador Miriam Defensor-Santiago. Nagdaos ng funeral mass sa Immaculate Concepcion sa Cubao, Quezon City, dakong dakong ala-1:00 ng hapon. Siya ay inilibing sa tabi ng kanyang anak na si Alexander Robert na namatay noong 2003.
Nagsidalo ang kanyang mga kamag-anak, mga kaibigan at libo libong mga taga suporta. Dumalo din ang ilang kilalang personalidad gaya nina dating Senador Kit Tatada,dating Senador Bongbong Marcos, dating First Lady Imelda Marcos at Heart Evangelista.
Binigyan ng arrival honors ang senadora at naglatag ng red carpet para sa kanya at sa mga taong nagsipadalo sa libing. Matapos ang seremonya nagpakawala ng mga puting kalapati at puting lobo ang kanyang mga kamag anak at tagahanga. Ang kantang “Ugoy ng Duyan” naman ang pinatutugtog sa libing at ang Philippine Air Force chopper naman ay nagsaboy ng mga petals. Binigyan din sya 21-gun salute.
Si Miriam Defensor-Santiago ay sumakabilang buhay sa edad na 71 dahil sa sakit na lung cancer habang natutulog sa St. Luke's Medical Center, Quezon City noong September 29, 2016.

Reviewed by Jhon
on
08:30
Rating:
No comments: