Trillanes isinuko si Matobato sa PNP



Sumuko ngayong biyernes sa Philippine National Police ang nagpakilalang hitman ng Davao Death Squad na si Edgar Matobato. 

Sinamahan pa ni Sen. Antonio Trillanes IV si Matobato nang humarap ito kay PNP Director General Ronald Dela Rosa. Si Trillanes ang nagbibigay ng protective custody kay Matobato na testigo sa pagdinig ng Senado sa extra judicial killings. 

Isinurender ni Trillanes si Matobato matapos hindi maglabas ng arrest warrant ang korte sa Davao City nang hindi daluhan ni Matobato noong Martes ang pagdinig sa kaniyang kasong illegal possession of firearms na nangyari may 2 taon na ang nakalilipas. 

Iginiit naman ni Trillanes na walang bawal takbuhan ni Matobato ang kaso laban sa kaniya kaya ito sumuko. 

"Kailangan niyang pagdaanan ito so pinakita niya na hindi siya tumatakbo at syempre sa mga ganitong mga panahon may mga konting anxiety not knowing kung ano mangyayari pero maganda naman 'yung pagbigay sa atin ng assurance ng PNP na hindi siya masasaktan dito," dagdag ni Trillanes. 

Isinailalim din sa medical checkup si Matobato upang masuri ang tinamong matagal ng sugat na tinamo umano nito sa torture. Tumaas din ang kanyang blood pressure.
Trillanes isinuko si Matobato sa PNP Trillanes isinuko si Matobato sa PNP Reviewed by Jhon on 07:41 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.