BONG REVILLA, Isinugod sa HOSPITAL

MANILA, Philippines – Isinugod  si dating Sen. Bong Revilla sa St. Lukes Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguigkahapon matapos itong dumaing ng matin­ding pananakit ng ulo.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesman P/Sr. Supt. Dionardo Carlos, mga alas-9 ng umaga nang makaranas ng matinding migraine, pagsusuka at hypertension si Revilla.
Agad syang isinugod sa emergency room ng PNP General Hospital sa Camp Crame. Ilang minuto pa ay inilipat sya sa St. Lukes Medical Center sa rekomendasyon nadin ng mga doktor.
Close ad X

“He was attended to by Dr. Cristobal. On recommendation by head doctor, Dr. Sembrano, Senator Revilla was brought to St. Lukes Medical Center at Bonifacio Global City on board a PNP ambulance and arrived the destination hospital around 11:40 am today (Nov. 5),” pahayag ni Carlos.
Ayon naman sa misis ni Revilla na si Bacoor City, Cavite Mayor Lani Mercado, isinasailalim na umano si Revilla sa maraming test at laboratory at x-ray examination sa St. Lukes Hospital.
"We got worried due to [the] family history of aneurysm," pahayag ni Mercado.
Magugunita na si Revilla, Jose Marie Mortel Bautista sa tunay na buhay ay nakapiit sa PNP Custodial Center dahil sa kasong plunder sa Sandiganbayan dahil sa umano'y maanomalyang paggamit ng kaniyang pork barrel funds na mariin naman niyang itinanggi..
BONG REVILLA, Isinugod sa HOSPITAL BONG REVILLA,  Isinugod sa HOSPITAL Reviewed by Jhon on 09:47 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.