Duterte di sinipot si Kris! Nagdiet pa naman sya ng two weeks :D

MANILA, Philippines - Hindi nakadalo sa nakatakda sanang one on one interview ni Kris Aquino kay President Duterte. Masama raw ang pakiramdam ng presidente na madaling araw ng Biyernes bumalik ng bansa galing sa State visit sa Malaysia.  Isang oras bago ang interview nang ipaalam kay Kris na hindi makakarating ang pangulo dahil sa migraine.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez ang sked umano ng pangulo ay sobrang hectic “Talagang killer schedule eh... I was with him ever since the series of state visits and if you know r­eally the schedule talagang one after the other, takbo na, convoy, meeting, takbo na naman, then the flight arriving late. I had the benefit of a three-hour sleep. Baka si Presidente, tuluy-tuloy pa iyong meeting niya pagbalik dito,”
“Maybe I have that effect on some men, mina-migraine talaga sila sa akin!” biro naman ni Kris.
Ang nasabing interview na eere sana sa PTV4, GMA News TV and TV5. Ito din sana ang una nyang interview sa kanyang pagbabalik showbiz. 
Nag update pa si Kris sa kanyang Ins­tagram account bago makuha ang balita “Still waiting for President Du30. Nagbanyo & I was so touched by their warm welcome (referring to Davaoeños na nagkakagulong maka-selfie siya).”
Close ad X

Aminado si Kris na pinaghandaan niya ang  interview.
“Minsan ang mga first date hindi natutuloy. President Duterte pinaghandaan kita, nagdiyeta ako ng dalawang linggo."
“Twenty-six na lang po ang bewang ko ngayon. Sisiguraduhin kong maging 25 para sa next time na pagkikita natin,” sabi ni Kris habang parang naiiyak subalit itinuloy parin ang pagho-host sa National Micro, Small and Medium Enterprises Summit.
“Nagtanong ako sa kuya ko kung dapat kong ituloy. Tumawag po ako at sinabi ko, Noy, I’m alone. Sabi ko sa kanya, what do I do? Sabi n’ya, ‘You made a commitment. Nandyan ka para sa GoNegosyo, nandyan ka kasi you believe in the Philippine economy, and nandyan ka because you want e­verybody to be included in the growth of our economy.” dagdag pa ni Kris.
Samantala, umaasa parin si Kris na matutuloy ang one-on-one interview niya sa pangulo.
“President Duterte, please give me a chance. I hope one day mamahalin mo rin ako,........Gusto ko rin kayo makilala ” 
Nag-joke dinsi Kris sa pagtatapos ng summit na oras na matuloy na ang interview nya kay Duterte  “Ako naman ang hindi a-attend! It’s a joke!”


MANILA, Philippines - Hindi dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatakda niyang one-on-one interview kay Kris Aquino sa National Micro, Small and Medium Enterprises Summit ng Go Negosyo sa Davao City.
Ipinaabot ni Trade Secretary Ramon Lopez ang balitang hindi dadalo si Duterte sa scheduled interview dahil masama umano ang pakiramdam.
Magsisimula dapat ang programa ganap na 4:30 ng hapon ngunit naghintay pa ang programa hanggang alas-5 ng hapon ngunit hindi na talaga dumating ang Pangulo.
"Minsan ang mga first date hindi natutuloy," wika ni Aquino matapos siyang ipakikala ni Go Negosyo chairman Joey Concepcion.
Close ad X

Ani Aquino hindi niya alam kung bakit hindi siya sinipot ng Pangulo.
"Pres. Duterte give me a chance....Gusto ko rin kayo makilala," dagdag ni Aquino na kapatid ni dating Pangulo Benigno Aquino III.
Galing si Duterte sa dalawang araw na bisita sa Thailand at Malaysia.
Duterte di sinipot si Kris! Nagdiet pa naman sya ng two weeks :D Duterte di sinipot si Kris! Nagdiet pa naman sya ng two weeks :D Reviewed by Jhon on 08:50 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.