Pinay nasagasaan ng tren matapos itulak sa New York subway, patay
Patay ang isang Filipina-American matapos syang itulak ng isang babae sa New York City subway platform. Ang biktima na kinilalang si Connie Watton ay nahulog sa riles at namatay matapos masagasaan ng paparating na tren.
Si Watton, 49 taong gulang ng Queens ay nagmigrate sa US mula Pilipinas.
Si Watton, 49 taong gulang ng Queens ay nagmigrate sa US mula Pilipinas.
Photo from: James Carman, Reuters
Mabilis namang inalerto ng mga witnesses ang mga pulis at agad na nadakip ang suspek na nagngangalang Melanie Liverpool.
Ayon sa awtoridad, may mga nakasaksi umano na ang biktima at suspek ay nagtatalo bago nangyari ang trahedya, . Maraming tao rin ang natrauma matapos matunghayan ang pangyayari.
"What happened here today is tragic," pahayag ni Joseph Fox, chief of transit for the New York City Police Department.
Ayon sa The Associated Press umamin umano si Liverpool sa pagpatay kay Watton, subalit agad din nitong binawi ang kanyang pahayag.
"What? I didn't admit to nothing," pahayag ni Liverpool.
Ayon sa awtoridad, posible umanong emotionally disturbed ang suspek. Ayon naman sa abogado nyang si Mathew Mari, tumanggi umano si Watton na magbigay ng detalye tungkols sa kanyang medical history.
"This is a strong case, with multiple eyewitnesses," pahayag ni Manhattan Assistant District Attorney Matthew Thiman.
Si Watton ay nagtrabaho bilang kasangbahay ng billionaire Blackstone Group CEO na si Stephen Schwarzman sa loob ng 30 taon.
“My whole family is really sad and shocked. It’s horrifying. I almost threw up on the street. It’s murder. She was murdered,” pahayag ni Zibby Schwarzman.
“I guess, intellectually, you know things like this happen but to someone so close who is part of the fabric of every single day of your life and for something so senseless and so random, it makes me want to pack my bags and get out of New York,”
“She was a part of every holiday. She was just a part of every piece of life since I was nine years old,” dagdag pa niya.
Pinay nasagasaan ng tren matapos itulak sa New York subway, patay
Reviewed by Jhon
on
07:18
Rating:
No comments: