Suspek sa planong PAGPATAY kay DUTERTE, sumuko
MANILA, Philippines – Sumuko ang suspek na si Bryan Ta-ala kay Chief Insp. Jovil Sedel, hepe ng Bacolod City Police Station 6 sa tulong ng kaniyang legal counsel na si Atty. Leon Moya Jr. sa kasong illegal possession of firearms.
Matatandaang si Ta-ala ay nasakote ng mga pulis at ang kanang kamay niyang si Wilford Palma sa operasyon sa Brgy. Tangub, Bacolod City nitong Agosto 6.
Ayon sa tactical interrogation kay Palma, ang mga nakumpiskang baril ay gagamitin umano ng gun running syndicates sa kill plot laban kay Pangulong Duterte. Ang kahon kahong mga smuggled parts ng baril ay nanggaling pa ng Estados Unidos na nagkakahalaga ng P4.5 M.

Ayon kay Palma, napakinggan umano niya pag-uusap ng kanyang amo at isang kliyente na tungkol sa pag-assemble ng mga armas na gagamitin sa pagpatay sa Pangulo.
Agad namang pinabulaanan naman ni Moya ang akusasyon laban sa kanyang kliyente anya isa umano itong “malaking kasinungalingan”. Si Ta-ala umano ay masugid na tagasuporta ng pangulo at ikinampanya pa si Duterte sa Negros Occidental noong May elections.
Noong Setyembre 8, nagpiyansa ng P200,000 si Ta-ala sa kasong gun smuggling kaya ito nakalaya.
Si Ta-ala ay sumuko sa kasong illegal possession of firearms matapos na mag-isyu ng panibagong warrant of arrest laban sa kanya ang korte.
Suspek sa planong PAGPATAY kay DUTERTE, sumuko
Reviewed by Jhon
on
11:00
Rating:
No comments: