Anak ng Welder at Vendor, pasok sa TOP TEN ng Nursing Board Exam
LAOAG CITY – Pasok sa top ten ng Nurses Licensure Examination ang panganay na anak na babae ng isang isang welder at empanado vendor na si Shannara Tamayao, 22 taong gulang.
Sa murang edad pa lamang ay alam na ni Shannara ang sakripisyo ng kanyang ama na si Mario Castro at inang si Bernadette Tamayao para lamang mapag-aral silang tatlon magkakapatid.
Si Shannara ay nagtapos sa Mariano Marcos State Univeristy (MMSU) sa Batac City, Ilocos Norte. 6,836 examinees ang nakapasa sa 14, 322 kataong kumuha ng exam.
"Itinuturing ko talaga na bonus kasi hiling ko lang ay pumasa, pero binigyan niya ako ng rank na top 10,” pahayg ni Shannara.
"'Yung mga congratulations ay hindi para sa akin, para sa mga parents ko kasi sila ang may deserve ng mga congratulations sa akin. Kasi in the first place, sila ang nagpakahirap ken dahilan kung nasaan kami ngayon,” dagdag pa niya.
Anak ng Welder at Vendor, pasok sa TOP TEN ng Nursing Board Exam
Reviewed by Jhon
on
08:04
Rating:
No comments: