Baclaran Church nagdisplay ng posters ng EJK
"Sa isang putok ng baril, madalas nagsisimula o natatapos ang isang giyera. Ngunit sa isang pitik ng camera nabubuksan lahat ng kuwento ng karimlang dulot ng giyera -- mga katawang nagkalat na walang buhay sa ekinita't bangketa, ang lansa ng pinaghalong dugong at aspalto sa halimuyak ng madaling-araw, ang dalamhati ng nawalan ng kabiyak, ang pagkabalisa ng mga anak na naulila't naagawan ng kinabukasan,"
Nagulat na lamang ang mga nagsimba noong Linggo nang nakita nila nag mga larawan na kasing laki ng posters na may ilaw pa sa Baclaran Church.
"Sampu lang naman ang utos ng Diyos eh. Isa nga po dyan ay huwag kang papatay. Ang estado ay hindi naman siya ang nagbigay ng buhay ng tao. Anong karapatan niyang kunin ito?" pahayag ni Retired Archbishop Oscar Cruz sa ABS-CBN News.
Hati naman ang reaksyon ng mga tao sa nasabing exhibit.
"Natatakot ako para sa mga anak ko. Palagi silang nasa labas." pahayag ni Maribeth Adolfo.
"Nakakatakot. Hindi maganda itong pagbabago," pahayag ni Fely Catalian.
Baclaran Church nagdisplay ng posters ng EJK
Reviewed by Jhon
on
08:25
Rating:
No comments: