MOCHA USON hinirang na AMBASSADRESS of the 2016 MMFF

Nagtungo sa Malacañang ang masugid na taga-suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Mocha Uson upang ipromote ang Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

"Tutulong po ako sa social media at sa iba pang paraan para hikayatin ang ating mga kababayan," 
"Natural lang po na magkaroon ng bangayan sa social media pagdating sa iba’t ibang issue at mga opiniyon natin, ngunit pagdating po sa pagtulong sa ating bayan, dapat po tayong magkaisa," pahayag niya.

Anya, pinakiusapan umano siya ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Thomas Orbos na tumulong ipromote ang mga indie films.

"Nilapitan po ako ni MMDA general manager Thomas Orbos para po magbigay ng suporta. Alam naman po natin na napag-iwanan na ang industriya ng Filipino films ng ibang bansa, at ang layunin po ng MMFF ngayon ay itaas ang kalidad ng pelikula na puwede po nating ipagmalaki sa ibang bansa,"

Sa isang pep.ph story, Hinikayat umano siya no Orbos na maging ambassadress of the 2016 MMFF.

"Ang gagawin ko naman dito ay paiingayin ko po sa social media at hihikayatin ko yung mga kababayan natin na suportahan po yung pagbabago dito sa MMFF," pahayag niya sa PEP.

"Nilapitan nila ako to support MMFF. Tinawag ako for a meeting with [Chairman] Orbos at mga Executive Committee members kasi gusto nila magkaroon ng pagbabago sa MMFF."

"Ngayon taon na po ang pagbabago. At kailangan din po natin ng pagbabago sa film industry po natin. Marami pong magagaling na mga filmmakers, ngunit hindi po ito nabibigyan ng suporta ng ating gobyerno at ng masang Pilipino. Ngunit ngayong may opportunity na po, na suportahan, na sinusuportahan na po sila ng gobyerno, kailangan pong tangkilikin din ang mga films dito sa MMFF ng masang Pilipino," pahayag niya.

Nilinaw naman ni Mocha na wala siyang matatanggap na pera sa pagpromote ng MMFF.

Sinabi niya sa kanyang facebook page na "Sabi ng iba wala akong karapatan maging MMFF Ambassadress. Una po sa lahat, hindi ko po ito hiningi. Panglawa, basta't may nangailangan ng tulong ay tutulong tayo. Pangatlo, ito ay para sa ikabubuti ng ating bayan kaya sana imbis na maging negatibo ay suportahan na lang. Pang-apat, wala po akong bayad dito di tulad ng sinasabi ng iba."


MOCHA USON hinirang na AMBASSADRESS of the 2016 MMFF MOCHA USON hinirang na AMBASSADRESS of the 2016 MMFF Reviewed by Jhon on 10:40 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.