DUTERTE: I am ordering the closure of ALL ONLINE GAMING. Lahat. Walang silbi ito
MANILA, Philippines -“I am ordering the closure of all online gaming. Lahat. Walang silbi ito,” ito ang pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang speech sa Malacañang sa ceremonial signing ng 2017 budget.
Magugunita rin na noong bago palang ang pangulo sa Malacañang ay gusto na niyang ipasara ang lahat ng online gaming. Sinabi rin niyang ito ay kumakalat na at "out of control."
"Yung PEZA, kaya walang tao dyan, wala akong inilagay dyan ngayon. Hanggang ngayon naghahanap ako ng prober, proverbial, the honest man, yung tao na nagdadala ng lantern maski araw. Bakit ganun? Naghahanap ako ng honest na tao, wala pa akong makita. Baka nandito sa Pampanga. Ang estimated 300 billion. Hindi ‘yan ang kita ng gobyerno, ‘yung lang napupunta dyan sa PEZA head. Maraming nagre-rekomenda dyan, alam ko, hindi ko na lang sasabihin, kaya talaga I was never tempted to sign tao dyan. Even sa military naghahanap ako. Kasi trillion ang nawala natin dyan. Tatanggap sila ng pusta sa labas, hindi naman kasali doon sa recording nila, dito lang," ani Pangulong Duterte.
Kamakailan lamang ay mahigit isang libong Chinese na illegal na nagtatrabaho sa Fontana Leisure Resort sa Clark ang inaresto ng Bureau of Immigrations dahil sa kawalan ng sapat na work permit upang magtrabaho sa online casino ng gambling tycoon na si Jack Lam. Pinapahuli narin ng Pangulo si Jack Lam at nagbantang kakamkamin ng gobyerno ang lahat ng kanyang ari-arian.
DUTERTE: I am ordering the closure of ALL ONLINE GAMING. Lahat. Walang silbi ito
Reviewed by Jhon
on
09:47
Rating:
No comments: