100 na ang patay sa bakbakan sa Marawi
MANILA - Umabot na sa 100 ang nasawi sa patuloy na bakbakan sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng grupong Maute sa Marawi City.
Kabilang sa mga nasawi ay 61 Miyembro ng Maute, 20 sundalo at 19 na sibilyan, pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Col. Edgar Arevalo sa radyong DZMM.
Kabilang sa mga nasawi ang 8 sibilyan na natagpuan sa isang kanal papunta ng Marawi. Nag-wan pa ng cardboard sign ang Maute na may nakasulat na "munafik," o traydor.
Walo pang labi ang natagpuan noong Linggo ng hapon, kabilang ang 4 na lalaki, 3 babae at isang bata.
"Karamihan po, binabaril, tadtad ng bala ang katawan. Mayroon po tayong mga nakikita sa mga larawan na karimarimarim, kalunos-lunos po ang kanilang itsura," pahayag ni Arevalo.
"Ang priority namin ay kung paano namin mase-secure ang Marawi City at maliligtas ang mga bihag na sibilyan,"
"Kailangan pong matapos na natin ito sa mas madaling panahon... Hindi po tayo pwedeng huminto. Kaya tayo po ay humihingi ng paumanhin at pang-unawa sa ating mga kapatid na Muslim." dagdag pa niya.
Pinapakiusapan ni Arevalo ang publiko na iwasan ang pagpopost sa facebook ng location ng mga sundalo, pati narin ang mga larawan at video upang hindi magamit ang mga impormasyong ito ng Maute group.
100 na ang patay sa bakbakan sa Marawi
Reviewed by Jhon
on
09:22
Rating:
No comments: