5,000 factory workers, Wanted sa Korea
Nasa 5,400 Pinoy workers ang kailangan ngayong taon sa South Korea. Pawang mga factories ng electronics, textile, chemical, at food processing ang nais mag-hire ng manggagawa.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA), aabot ang suweldo sa $1,200 o P59,000 kada buwan o higit pa.
"Pag masipag ka pa, aabutin ng P90,000. Ibig sabihin ko sa masipag, 'yung mga overtime," pahayag ni Jocelyn Sanchez, deputy administrator ng POEA.
Walang placement fee dahil gobyerno sa gobyerno ang setup. POEA lang ang puwedeng magproseso ng lahat ng aplikante. Ibig sabihin, makasisigurong maayos ang employer.
Upang mag-apply, kailangan lang mag-register sa employment permit system sa website ng POEA para maiskedyul ang isang skills test.
Wala naring job interview dahil online ang aplikasyon. Sa oras na pumasa, ikaw ay mapapabilang sa listahan ng mga pagpipilian ng mga Korean employer.
Ang score sa skills test at ang haba ng karanasan sa pagtatrabaho ang isa sa mga kwalipikasyong tinitingnan ng mga employers.
"Higher the score, mas priority ka i-hire. Sa pinag-aralan, kahit high school graduate. Sa experience, mabuti kung mahaba," dagdag pa ni Sanchez.
Kailangan ding ipasa ang basic Korean language test. Kapag napili na ng employer, kanya-kanyang ayos ng visa at bili ng tiket sa eroplano. Sa kalkulasyon ng POEA, hindi aabot ng P30,000 ang gagastusin ng isang bagong hire.
POEA website: http://www.poea.gov.ph/epstopik/epstopik.html
POEA website: http://www.poea.gov.ph/epstopik/epstopik.html
5,000 factory workers, Wanted sa Korea
Reviewed by Jhon
on
02:25
Rating:
No comments: