8 Maute sumuko, napaka importanteng impormasyon ibinulgar sa militar
Kinumpirma sa ginanap na Mindanao Hour briefing sa Malacañang ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Gen. Restituto Padilla na walong Maute members ang nagsisuko.
“What we did get is from the unit of General (Custodio) Parcon, there were 8 members hold up in Marawi who surrendered to his forces,” pahayag ni Padilla.
Dagdag pa ni Padilla, ang nasabing miyembro ng Maute “have been talked to and debriefed and have provided very, very valuable intelligence.”
“They are trapped. They are contained. They are in areas that they will never come out alive unless they surrender. And that’s why we are asking them and we are appealing to these armed men to come to their senses, lay down their weapons and surrender,”
“In this manner, we will be able to reduce the increasing cost of innocent lives as well as damage to property and at the same time further lessens the number of numerous crimes they have been committed,”dagdag pa ni Padilla.
Sa ngayon ay vinavalidate pa ang naturang impormasyon. Itinanggi ni Padilla na nakapasok na sa Metro Manila at naaresto sa Terminal 3 ang isang lider ng Maute terror group na si Omar Maute.
Tinatantyang hindi na aabot sa 50 ang natitirang terorista. Ayon pa kay Parcon, sporadic na umano ang labanan. Gayunman, sinabi ni Parcon na maingat din sila na pumasok sa mga lugar dahil hindi nila makumpirma kung may mga nakapuwestong kalaban.
“We hit them hard tapos, takbo na naman sila, but we are very careful, you know ‘pag kasi minsan ‘pag pumasok ka sa may tinatawag din silang engagement areas then meron ‘yung they have enough combat power baka ipintakasi kami so we are avoiding that kind of situation,” pahayag ni Parcon.
Ayon naman kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, 89 nang terorista ang namatay ayon sa datos ng Armed Forces. 21 naman ang namatay sa panig ng gobyerno.
8 Maute sumuko, napaka importanteng impormasyon ibinulgar sa militar
Reviewed by Jhon
on
09:44
Rating:
No comments: