37 bangkay natagpuan matapos ang insidente sa Resorts World Manila

37 bangkay ang narekober ng awtoridad mula sa Resorts Worlds Manila sa Pasay  ilang oras matapos ang pamamaril ng isang lalaki sa casino noong Biyernes ng umaga. Kinumpirma ni National Capital Region Police Office chief Director Oscar Albayalde na kasama sa 37 bangkay ang gunman na hanggang sa ngayon ay di pa nakikilala.



Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, karamihan sa mga biktima ay namatay d "due to suffocation at the second floor gaming area, which had been set on fire by the perpetrator."


54 naman ang sugata at kasalukuyang nasa mga hospital.
Ayon sa pulis isang "Caucasian-looking" na lalaki ang nagtungo sa casino dala ang isang mahabang baril, pinaputukan ang isang LED TV at tinangkang magnakaw ng P113 milliong halaga ng chips mula sa storage room ng casino. 

Nilinaw naman ni Abella na walang kaugnayan ang nasabing insidente sa kaguluhan sa Marawi City.


Samantala, sinisi naman ni Police chief Ronald Dela Rosa ang pangyayari sa kakulangan at "lapses" ng seguridad sa Resorts World. 


"Nakapasok, nakapagdala ng Armalite, dapat nakipag barilan na ang mga guwardiya," pahayag ni dela Rosa sa mga reporters.

"'Pag nakakita kayo ng gunman, tawag kayo agad ng police. 'Yung ibang hotel kasi gusto pagtakpan sarili nila, gusto nila sila-sila lang," dagdag pa niya.
37 bangkay natagpuan matapos ang insidente sa Resorts World Manila 37 bangkay natagpuan matapos ang insidente sa Resorts World Manila Reviewed by Jhon on 07:04 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.