DSWD: Makakakaasa kayo na ang mga donasyon ninyo ay maipaparating sa kanila





MANILA, Philippines - Kailangan po namin talaga ang tulong ng bawat isa sa atin para mapalawig pa natin ang tulong para sa mga kababayan nating biktima ng mga kalamidad. Makakakaasa kayo na ang mga donasyon ninyo ay maipaparating sa kanila," ito ang pahayag ni Department of Social Welfare and Development Secretary Judy Taguiwalo.

"They (the public) can directly go to any evacuation center in their locality and distribute their donations. The social workers in the evacuation centers can assist them. They may give clothes, medicines, hygiene kits, food, or hot meals," dagdag pa ni Taguiwalo.

Binayo ng supertyphoon na pinangalanang Lawin (Haima) ang Northern Luzon noong Miyerkules, October 19, ang Cagayan, Isabela, Kalinga, Apayao, Mt. Province, Ilocos Norte, Ilocos Sur, at iba pang probinsya.


"Huwag po tayong mag-atubiling lumapit para humingi ng tulong kung tayo ay biktima. Sa dami po minsan ng mga apektadong tao ay may nakakaligtaan ang ating gobyerno." ani ng DSWD Secretary.



 


Sa mga taong nais magdonate ng relief goods, narito ang impormasyon upang makatulong:

Mga taong nakatira sa Metro Manila ay maaaring mag-abot ng relief goods sa Department of Social Welfare and Development (DSWD:


National Resource Operations Center (NROC)

Chapel Road, Pasay City
Telephone number: (02) 852-8081

DSWD-NCR

389 San Rafael St cor Legarda St, Manila
Telephone number: (02) 733-0010 to 14 

Ang mga taong nakatira naman sa labas ng Metro Manila ay maaaring magdonate sa pinakamalapit na DSWD field office sa inyong lugar o sa inyong local government units (LGUs).
DSWD: Makakakaasa kayo na ang mga donasyon ninyo ay maipaparating sa kanila DSWD: Makakakaasa kayo na ang mga donasyon ninyo ay maipaparating sa kanila Reviewed by Jhon on 00:14 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.